Dakong alas-9 ng umaga nang makapasok sa City Hall si Panaligan kasama ang kanyang bise-alkalde na si Councilor Alvin Tolentino, dalawa pang konsehal na sina Marlon Pesebre at RJ Cabrera.
Pansamantala munang mag-uupisina si Panaligan sa Councilors Lounge habang naka-padlock ang Office of the Mayor, ang iniwang tanggapan ni Trinidad.
Kasabay nito, binalaan ng pamunuan ng DILG ang mga banko at negosyo sa lungsod na huwag nang magsagawa ng transaksyon sa suspendidong mayor. Hindi umano kikilalanin ng pamahalaan ang anumang tseke at dokumento na nilagdaan ni Trinidad at 11 pang opisyal sa Pasay. (Lordeth Bonilla at Angie dela Cruz)
Sa halip, nagpasya ang CA na bigyan ng pagkakataon ang Office of the Ombudsman na magkomento hinggil sa nabanggit na petisyon ni Trinidad. Ipinaliwanag ng CA na magtatagal ang pagresolba sa petisyon ni Trinidad dahil may magkakahiwalay ring petisyong isinampa ang iba pa niyang mga kasamahan na nasuspinde rin ng Ombudsman. (Grace dela Cruz)