Pintuang Bakal Niransak: Pasay City Hall puwersahang pinasok ng DILG, SWAT
September 7, 2006 | 12:00am
Puwersahang pinasok kahapon ng grupo ng DILG at PNP sa pamamagitan ng pagpuwersang mabuksan ang pintuang bakal sa gusali ng Pasay City Hall upang isilbi ang preventive suspension order laban kay Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad, sa bise-alkalde nito at sa sampung konsehal kaugnay sa multi-milyong katiwalian na may kaugnayan sa kontrata sa basura.
Itoy matapos na hindi tumupad ang grupo ni Trinidad sa kasunduan nila ng DILG na bababa nang maayos kahapon.
Dakong alas-11 ng umaga nang dumating ang grupo ni DILG Undersecretary Wencelito Andanar sa Pasay City Hall kasama ang may 100 pulis buhat sa NCRPO at SPDO.
Hindi nila nagawang makapasok dahil sa barikadang isinagawa ng mga taga-suporta ni Trinidad. Hinarangan din ng mga ito ng lamesa at mga libro ang mga pintuan at lahat ng lagusan ng City Hall.
Dahil dito, nagpasya ang DILG na umakyat sa ikaapat na palapag ng Hall of Justice at dito pinuwersang mabuksan ng SWAT Team ang pintuang bakal upang makapasok sa loob ng gusali.
Nabatid na tinanggap ni Councilor Onie Bayona ang dalawang pahinang suspension order laban sa mga suspendidong local officials. Si Bayona ay kasama sa sinuspinde.
Wala naman si Trinidad sa kanyang tanggapan nang isilbi ang suspension order. Isang kopya ng kautusan ang ipinaskil sa naka-padlock na tanggapan ni Trinidad.
Pinag-aaralan ng DILG ang paghaharap ng kasong usurpation of authority sa mga suspendidong opisyal dahil sa hindi pagtupad ng mga ito sa direktiba ng DILG.
Sinabi naman ni Acting Mayor Allan Panaligan na kahit saan ay pwede siyang mag-opisina sa loob ng City Hall. (Dagdag na ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended