^

Metro

CD sa final coaching sa nursing leak, hawak na ng BI

-
Mas masusing ikalawang bahagi ng imbestigasyon ngayon sa kontrobersiyal na dayaan sa 2006 Nursing Licensure Exams ang nakatakdang isagawa ng National Bureau of Investigation matapos na makuha ang compact disc ng PowerPoint presentation ng isa sa tatlong review centers na naglalaman ng leakage sa pagsusulit. Sinabi ni Atty. Efren Meneses, hepe ng NBI Anti-Fraud and Computer Crimes Division na may hawak ng imbestigasyon, nasa kanila na ang kopya ng CD ng PowerPoint presentation sa final coaching ng INRESS Review Center noong Hunyo 8 at 9. Isa ang INRESS sa tatlong review center na umano’y pinagmulan ng leakage, kabilang na ang RA Gapuz at Pentagon Review Center.

Una nang kinumpirma ng whistleblower na si Dennis Bautista sa Senado na ang mga tanong na lumabas dito ay pareho sa test 3 at 5 ng exam. Sinabi ni Meneses na tututukan na ng ahensiya ang mga taong may kinalaman sa pagkalat ng leak at mga nakinabang dito kaya ipapatawag na nila ang 22 deans at mga reviewees na dumalo sa final coaching ng Inress Review Center.

Samantala, nais ni Senate President Manuel Villar Jr. na isailalim sa gobyerno ang pamamahala sa mga review centers lalo na’t nabahiran ito ng mga anomalya dahil na rin sa tindi ng kompetisyon.

Ayon kay Sen. Villar, ang mahigpit na kumpetisyon ay nag-uugat din para gumawa ng mga labag sa batas na hakbang ang mga review centers para matiyak na marami ang papasok sa kanila katulad ng nangyari sa review centers para sa mga narses. Sa kanyang Senate Bill 2371, sinabi ni Villar na dapat dumaan sa supervision ng Professional Regulation Commission (PRC) ang paglisensiya ng lahat ng review centers kahit na anong kurso pa ito. (Danilo Garcia at Rudy Andal)

ANTI-FRAUD AND COMPUTER CRIMES DIVISION

DANILO GARCIA

DENNIS BAUTISTA

EFREN MENESES

INRESS REVIEW CENTER

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NURSING LICENSURE EXAMS

PENTAGON REVIEW CENTER

REVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with