Mayor Peewee, Et Al Bababa Na: Pasay OICs nanumpa
September 6, 2006 | 12:00am
Nanumpa na kahapon sa harap ni Interior Secretary Ronaldo Puno sina Pasay City 1st Councilor Allan Panaligan bilang officer-in-charge kapalit ng suspendidong si Pasay City Mayor Peewee Trinidad at 2nd Pasay City Councilor Arvin Tolentino para naman sa puwesto ni Vice-Mayor Antonio Calixto.
Kasabay nito inihain na rin ng DILG ang preventive suspension laban kina Trinidad at Calixto kasama ang 10 pang konsehal kaugnay sa P464.6 milyon kontrata sa basura.
Anim na buwan-suspensyon ang iniutos ng Ombudsman laban sa grupo ni Trinidad.
Pinagbigyan ng DILG ang hiling ni Trinidad na bigyan siya ng graceful exit at bababa siya ngayong araw na ito.
Eksaktong alas-4:30 ng hapon nang dumating ang grupo ni Secretary Puno upang ihain ang preventive suspension order sa mga sangkot na opisyal.
Gayunman, tanging sa cellphone lamang nakausap ni DILG Undersecretary Wencelito Andanar sina Trinidad, Calixto at sampung konsehal na noon ay nasa Pasay City Hall.
Nangako na umano ang grupo ni Trinidad na bababa sila sa puwesto dakong alas-8 ng umaga ngayong araw at iti-turn-over niya ang tanggapan sa naturang undersecretary.
Nakiusap ito na pagbigyan siyang manatili hanggang gabi upang hakutin ang kanyang mga kagamitan.
Samantala, nagkairingan naman ang kampo ni Panaligan at taga-suporta ni Trinidad na siyang pinagmumulan ng matinding tensyon.
Dahil dito, nagpakalat ng maraming tauhan ng pulisya sa bisinidad ng city hall upang maiwasan ang anumang salpukan ng magkabilang panig.
Magugunitang ilang araw ding naparalisa ang operasyon sa Pasay City Hall dahil sa naturang usapin. Nagsikip din ang daloy ng trapiko sa mga supporters ng sinuspindeng Mayor kaya mabilis nang umaksyon ang DILG para ma-serve na ang suspension order laban sa mga nabanggit. (Lordeth Bonilla At Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am