Sa kautusan ni CHED Chairman Carlito Puno sa PSBA Quezon City na makipag-ugnayan sa PSBA Manila o sa ibang paaralan para malipatan ng may 5,400 student na maaaring maapektuhan ng inaasahang closure order na ipapalabas ng QC government laban sa paaralan.
Giniit din ni Puno sa QC government na ipaimplementa na ang temporary closure sa PSBA Katipunan dahil sa paglabag ng paaralan sa local govt. code, national building code at QC revenue code. Binigyang diin ni Puno na prioridad nila ay ang kapakanan ng mga estudyante at ayaw nilang may maganap pang trahedya bago pa kumilos ang mga kinauukulan.
Samantala, ipinarating naman ni QC Councilor at Blue Ribbon Committee Chairman Dante de Guzman sa mga magulang at mag-aaral ng PSBA na huwag magagalit sa kanya kung magaganap ang pagpapasara sa paaralan dahil ginagawa lamang nila ito para mapangalagaan ang kapakanan ng mga estudyante. (Angie dela Cruz)