Sex-palit drugs sa mga sementeryo talamak pa rin
September 5, 2006 | 12:00am
Talamak pa rin ang tinatawag na sex palit drugs na kinasasangkutan ng ilang mga kabataan partikular na ang mga out of school youth sa Caloocan at Malabon City na namumugad sa mga sementeryo sa nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat, hindi pa rin nalalansag ng mga awtoridad ang sindikato o mga personalidad na nasa likod ng ilegal na operasyon dahil hindi pa nahuhuli ang sinasabing supplier ng droga at lider ng sindikato na humahawak sa mga kabataang ito.
Nakatakas sa isinagawang raid ng NPD operatives noong nakaraang buwan sa Sangandaan Cemetery sa Caloocan ang itinuturong utak ng sindikato.
Sa nasabing raid maraming bilang ng mga menor-de-edad na karamihan ay mga kababaihan ang nasakote ng pulisya, bagamat nabigo ang mga ito na malambat ang supplier ng droga.
Isang sindikato umano ang humahawak sa mga kabataang ito na nagsu-supply ng solvent at drugs sa mga kabataan kapalit ng libreng pakikipagtalik na lantarang ginagawa sa mga nitso sa sementeryo.
Base sa talaan ng pulisya sa CAMANAVA area na mataas ang bilang ng krimen dito na kinasasangkutan ng mga napapariwarang kabataan.
Dapat na rin umanong kumilos hindi lamang ang pulisya kundi maging ang mga opisyal sa pamahalaang lungsod. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended