7 MPD cops sinibak sa hulidap
September 5, 2006 | 12:00am
Ipinag-utos ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang pagsibak sa puwesto sa hepe ng District Police Intelligence Unit (DPIU) at anim nitong mga tauhan matapos na kasuhan ng robbery-extortion ng isang Japanese national sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group.
Ang mga sinibak sa puwesto ay ang inireklamong sina SPO4 Vicente Noriega, SPO2 Joselito dela Cruz, SPO2 Alfonso dela Cruz, PO3s Teofilo Biong Jr., Alfredo Pacoma at Jaime Salonga.
Isinama rin sa mga sinibak ang kanilang hepe na si C/Insp. Joselito Sta. Teresa dahil sa "command responsibility".
Base sa reklamo ng biktima na si Kazuaki Tomizawa, 46, ng Tokyo, Japan, dinukot siya ng mga suspect sa loob ng kanyang apartment sa #1854 Asuncion St., Valenzuela, Makati City noong Agosto 18. Dinala siya at ikinulong sa opisina ng DPIU at pinalaya lamang matapos na magbigay ng P500,000.
Sinabi ni Tomizawa na walang dalang warrant of arrest ang mga pulis at hindi rin sinabi kung ano ang kanyang pagkakasala nang dalhin ng mga suspect. Pinag-aaralan din nito ang pagsasampa ng kasong kidnapping laban sa mga pulis. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am