^

Metro

2 tigok sa pamamaril sa Tondo

-
Dalawa ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Dakong ala-1 ng madaling-araw nang unang barilin si Christopher Bustamante, 19, ng 1319 New Antipolo St., nabanggit na lungsod.

Nakatambay umano sa loob ng isang bilyaran ang nasabing biktima sa Cavite St., Tondo nang biglang lapitan ng suspect na kinilalang si Pepe Soliongco at pagbabarilin ito.

Dakong alas-4 naman ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng isang German Esguerra, 27, helper at residente ng 1161 Asuncion St., Tondo sa loob ng binabantayang tindahan nito sa Padre Rada Market, Tondo.

Nagtamo ng isang tama sa bumbunan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkasawi.

Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya upang alamin ang motibo sa pamamaslang sa mga biktima. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ASUNCION ST.

CAVITE ST.

CHRISTOPHER BUSTAMANTE

DAKONG

DALAWA

DANILO GARCIA

GERMAN ESGUERRA

NEW ANTIPOLO ST.

PADRE RADA MARKET

PEPE SOLIONGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with