Gang war: 16-anyos patay
September 3, 2006 | 12:00am
Patay ang isang estudyante, habang tatlo pang kasamahan nito ang nasa malubhang kalagayan matapos na pagsasaksakin ng pitong high school student sa naganap na fraternity war, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Joce Akimoto, 16, ng Purok 2, Brgy. Cupang, Muntinlupa City, 1st year high school student sa Pedro E. Diaz High School na nagtamo ng ilang saksak sa katawan.
Ginagamot pa rin sa nabanggit na pagamutan sina Mark Anthony Febrigas, 17; Sherwin Calpito, 16 at Roel delos Santos, 16, sanhi ng mga saksak na tinamo sa kanilang katawan.
Samantala, tatlo sa pitong suspect ang dinakip ng pulisya na nakilalang sina Eugene Romero, 15; Joseph Pia Cuarteron, 16; at Rey Pedra Blanca.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa Lawton Terminal sa Brgy. Alabang sa nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na naglalakad noon ang mga biktima ng makasalubong ang grupo ng mga suspect na dito nagkaroon ng komprontasyon hanggang sa umabot sa rambulan.
Hindi akalain ng mga biktima na may mga patalim ang mga suspect hanggang sa inundayan sila ng saksak na nagresulta sa pagkasawi at pagkasugat ng mga biktima.
Naniniwala ang pulisya na posibleng magkalabang fraternity ang mga biktima at mga suspect, gayunman patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang kaso. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended