Nahaharap din sa anim na buwang suspensyon ang mga konsehal ng Pasay na sina Richard Advincula, Lexter Ibay, Jose Antonio Roxas, Ma. Antonia Cuneta, Noel Bayona, Arnel Regino Arceo, Editha Vergel de Dios, Marie Irish Pineda, Generoso Cuneta at Greg Paolo Alcera.
Batay sa rekord, nagpasa ang Sangguniang Panglungsod ng Pasay noong Pebrero 6, 2004 ng isang resolusyon na nagdedeklara bilang imbalido sa lahat ng kontratang papasok sa taong 2004 dahil aprubado na ang budget.
Gayunman, nag-apruba pa rin ng ibang kontrata ang grupo ni Trinidad sa pagitan ng tatlo pang kompanya nang hindi idinaan sa public bidding.
Iginiit ng Ombudsman dapat sanay mahigpit na ipinatupad ng pamahalaang lungsod ang umiiral na ordinansa partikular na ang may kinalaman sa public bidding. May sapat na dahilan umano upang isailalim sa suspensyon ang mga opisyal. (Angie dela Cruz)