4 holdaper nambiktima ng lady cop, arestado
September 1, 2006 | 12:00am
Apat na pinaghihinalaang mga holdaper ang dinakip matapos nilang holdapin ang isang policewoman sa isang pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.
Kinilala ang mga suspect na sina Bonifacia Gepica; Nerio Duran, kapwa 23; Ryann Orine, 22; at Richard Banico, 17, pawang ng Maysapang, Zone 5, Palar Village, Brgy. Ususan ng nabanggit na lungsod.
Kinilala naman ang biktima na isang lady cop na si Imelda Candayan, 40, ng Block 3 EP Housing, Brgy. Western Bicutan ng nabanggit na lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa kahabaan ng C-5 Road, Commando Bridge, Brgy. Ususan, Taguig City, habang sakay ang biktima sa isang pampasaherong jeep. Biglang nagdeklara ang mga ito ng holdap at kanilang tinutukan ng patalim at baril si Candayan, tiyempo namang nagsasagawa ng routine visibility patrol ang mga kagawad ng Taguig City Police.
Dito nagkaroon ng pagkakataong pumalag ang policewoman na nakatawag ng pansin sa mga pulis. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended