Intramuros shootout: 3 todas
September 1, 2006 | 12:00am
Tatlo ang nasawi kabilang ang isang pulis, isang security guard at ang lider ng isang pinaghihinalaang notoryus na robbery/holdup gang matapos makasagupa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Task Force Maverick sa shootout sa Intramuros, Maynila, kahapon ng hapon.
Kinilala ni PNP-CIDG Chief Director Jesus Verzosa ang mga nasawi na sina PO3 Michael Buenaventura, kasapi ng PNP-CIDG Task Force Maverick; security guard na si Rolando Aquino at ang lider ng robbery/holdup gang na si Ronald Bugallon.
Ang grupo ni Bugallon ay sangkot sa serye ng mga nakawan sa mga foreign exchange, convenience store at iba pang establisimento sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Verzosa, ang sagupaan ay naganap sa kahabaan ng Soriano St., Aduana, Intramuros, ng lungsod ng Maynila dakong ala-1 ng hapon.
Sinabi ng opisyal na nagresponde sa lugar ang Task Force Maverick operatives matapos makatanggap ng impormasyon sa nangyaring panghoholdap sa isang foreign exchange sa nasabing lugar.
Inabutan naman ng mga operatiba habang papatakas ang grupo ni Bugallon na siyang nagbunsod sa shootout na ikinasawi ng isang operatiba, sekyu sa establisimento at ang lider na suspect.
Nasakote naman sa operasyon ang apat pang holdaper na kinilalang sina Rodnesy Santos, Allan Huanico, Buenaventura Almeda at Edwin Saavedra.
Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspect ang isang 9mm pistol, tatlong .38 caliber revolver, tatlong .45 pistol at tatlong Nokia cellphone.
Inihayag pa ni Verzosa na ang mga naarestong suspect ay nakatakda nang ipagsampa ng kasong kriminal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended