^

Metro

Oil refinery factory sa Caloocan, inirereklamo

-
Maraming bilang ng mga residente sa isang barangay sa Caloocan City ang nakakaranas ng paninikip ng dibdib na dala umano ng sobrang baho at bagsik na amoy ng kemikal na inilalabas ng isang oil refinery factory sa nasabing lungsod. Kaugnay nito, nanawagan sa kinauukulan ang mga apektadong residente ng Brgy. 165 ng nabanggit na lungsod at maging karatig lugar nito sa Brgy. ng Bagbaguin, Canumay, Paso de Blas ng Valenzuela City na imbestigahan ang Belsan Industrial na naging sanhi ng nasabing chemical poisoning sa nasabing lugar. Sa panayam sa isang Aling Nancy, karamihan sa mga naapektuhan sa umano’y patuloy na pagpapalabas ng nakalalasong kemikal ay pawang mga kabataan. Sobrang paninikip ng dibdib at pananakit ng tiyan umano ang kanilang dinaranas kapag nagpapalabas na ng masangsang at mabagsik na kemikal ang nasabing pabrika. Napag-alaman na una ng nagkaroon ng closure order laban sa nasabing pabrika na nag-ooperate sa gitna ng residential area at Bagbaguin Elementary School ng lungsod subalit hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang operasyon nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALING NANCY

BAGBAGUIN

BAGBAGUIN ELEMENTARY SCHOOL

BELSAN INDUSTRIAL

BRGY

CALOOCAN CITY

CANUMAY

KAUGNAY

ROSE TAMAYO-TESORO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with