Sekyu miyembro ng KFR group, timbog
August 31, 2006 | 12:00am
Inaresto ng mga tauhan ng NBI ang isang dating sekyu na miyembro ng isang kidnap for ransom syndicate matapos ang isinagawang entrapment operation sa Quezon City. Nakilala ang dinakip na si Ian Morin. Ayon sa ulat, isang Indian national na si Davinder Kumar, ang humingi ng tulong sa NBI matapos umano siyang dukutin ng dalawang lalaki noong Agosto 9, subalit nagawa niyang makatakas sa mga ito. Gayunman, nakatanggap pa rin ng tawag sa telepono si Kumar buhat sa mga suspect na nagbantang pasasabugin ang kanyang bahay, dudukutin at papatayin ang kanyang mga anak kung hindi magbibigay ng isang milyon. Matapos ang tawaran bumaba ito sa P150,000. Inihanda ang entrapment operation laban sa suspect na isinagawa sa isang fastfood chain sa Visayas Avenue sa Quezon City na dito nadakip si Morin. Positibo itong kinilala ng biktima na siyang dumukot sa kanya. Maging ang boses nito na nagbanta sa telepono ay positibo ring kinilala ng biktima. (Danilo Garcia)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended