Sa panayam kay Bataoil, ang naturang halaga anya ay inambag-ambag ng mga NGOs sa Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area na umanoy malugod na sumusuporta sa lahat ng mga mediamen na nagku-cover sa northern part ng Metro Manila.
Kaugnay nito, kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng pagtugis ang pulisya laban sa gunman ni Panizal na kinilalang si Jorge de Jesus, alyas "Boy Demonyo", 40-anyos at kapitbahay ni Panizal sa M. Santos St., Brgy. Santolan, Malabon City.
Magugunita na ang 52-anyos na si Panizal, ay tinambangan at pinagbabaril ni de Jesus at ng kasamahan nito dakong alas-5:30 ng madaling-araw noong August 14, habang ang una ay sakay ng kanyang tricycle sa Brgy. Malinta, Valenzuela City.
Malubhang nasugatan si Panizal sa nasabing insidente na nagtamo ng mga tama ng bala buhat sa .9mm kalibre ng baril ni de Jesus.
May dalawang linggo na ang nakalipas mula nang maganap ang nasabing insidente at sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy ng pulisya ang kinaroroonan ni de Jesus na pangunahing suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)