^

Metro

P50,000 reward sa gunman ni Panizal

-
Magbibigay ng P50,000 pabuya si Northern Police Distirct (NPD) director Chief Supt. Leopoldo Bataoil sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon para sa ikakaaresto ng gunman ng reporter/photographer na si Roger "Ka Popoy" Panizal ng pahayagang Tiktik.

Sa panayam kay Bataoil, ang naturang halaga anya ay inambag-ambag ng mga NGOs sa Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area na umano’y malugod na sumusuporta sa lahat ng mga mediamen na nagku-cover sa northern part ng Metro Manila.

Kaugnay nito, kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng pagtugis ang pulisya laban sa gunman ni Panizal na kinilalang si Jorge de Jesus, alyas "Boy Demonyo", 40-anyos at kapitbahay ni Panizal sa M. Santos St., Brgy. Santolan, Malabon City.

Magugunita na ang 52-anyos na si Panizal, ay tinambangan at pinagbabaril ni de Jesus at ng kasamahan nito dakong alas-5:30 ng madaling-araw noong August 14, habang ang una ay sakay ng kanyang tricycle sa Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Malubhang nasugatan si Panizal sa nasabing insidente na nagtamo ng mga tama ng bala buhat sa .9mm kalibre ng baril ni de Jesus.

May dalawang linggo na ang nakalipas mula nang maganap ang nasabing insidente at sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy ng pulisya ang kinaroroonan ni de Jesus na pangunahing suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BOY DEMONYO

BRGY

CHIEF SUPT

KA POPOY

LEOPOLDO BATAOIL

MALABON CITY

METRO MANILA

NORTHERN POLICE DISTIRCT

PANIZAL

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with