Suspensyon ng BoC Deputy Commissioner, larga na
August 28, 2006 | 12:00am
Matutuloy na ang pagpapatupad ng suspension order ng Ombudsman nang katigan ito ng Court of Appeals (CA) at ibinasura ang kahilingan ni Customs Deputy Commissioner Reynaldo Nicolas na sinasabing nagmamay-ari ng hindi maipaliwanag na yaman.
Batay sa desisyon ng CA 12th Division, idinismis ang petisyon ni Nicolas na humiling na baligtarin ang nasabing kautusan dahil walang pag-abusong nakita ang CA sa panig ng Ombudsman nang patawan ng suspensyon si Nicolas.
Nilinaw din ng CA na tama lamang na suspendihin ng Ombudsman si Nicolas na layon namang hindi ito maka-impluwensya pa sa imbestigasyon ng Ombudsman.
Lumilitaw sa rekord ng Ombudsman na si Nicolas ay nagkaroon umano ng P48 milyong halaga ng mga ari-arian at mga mamahaling kotse na hindi naman akma sa P2 milyon na sahod nito sa loob ng sampung taon. (Grace Amargo-dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended