Lolo niratrat ng 5 teenager
August 28, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang 60-anyos na lolo makaraang pagtulungan itong pagbabarilin ng limang kabataang gangster na nairita sa paninita ng una sa pag-iinuman at ingay ng mga huli, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala buhat sa .9mm kalibre ng baril sa dibdib, ulo at ibat ibang parte ng katawan ang biktimang si Jose Tutuna, vendor at residente ng Block 4, Lot 1, Phase 3, Area 2, Lapu-lapu Avenue, nabanggit na lungsod.
Agad namang naaresto ng pulisya ang dalawa sa limang suspect na itinago lamang sa mga pangalang Jerome at Angelo na pawang may edad 16-anyos.
Kasalukuyan namang pinaghahanap pa ng pulisya ang tatlong kasamahan ng mga naaresto na kinilala lamang sa mga alyas na Joey Kabayo, Marvin Doctolero at Carlos John na nagawang makatakas sa isinagawang follow-up operation ng pulisya.
Batay sa ulat ni PO2 Ananias Birad, may hawak ng kaso, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang nasabing krimen sa kahabaan ng Pampano St., Brgy. Longos, Malabon City.
Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon na nag-ugat ang pamamaril ng mga suspect sa biktima makaraang sitahin ng huli ang sobrang kaingayan ng mga una habang nag-iinuman ang mga ito.
Sa sobrang pagka-irita umano ng mga suspect sa matandang biktima ay isa sa kanila ang naglabas ng baril at biglang pinagbabaril ang huli.
Hindi pa nakuntento ang mga suspect at pinagpasa-pasahan nila ang nasabing baril at bawat isa sa kanila ay pinagbabaril ang biktima.
Isang Raul Oropeza naman ang nakakita sa nasabing insidente na siya ring nagmalasakit at nagdala sa biktima sa nabanggit na pagamutan, subalit minalas na hindi na ito umabot pa ng buhay.
Isang follow-up operation naman ang agarang isinagawa ng Night Watch operatives ng Malabon City Police laban sa mga suspect na nagbunga sa pagkakaaresto nina Jerome at Angelo.
Inaalam naman ng pulisya kung nasa ilalim ng impluwensiya ng droga ang mga suspect nang isagawa ng mga ito ang nasabing krimen. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended