P55-M Shabu Naharang Sa NAIA: 3 Taiwanese nationals, timbog
August 27, 2006 | 12:00am
Tatlong paalis na pasaherong Taiwanese nationals na pinaniniwalaang "courier" ng big-time international drug syndicate ang naaresto ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa aktong ipupuslit sana palabas ng bansa ang 10 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng US$1 milyon o P55 milyon.
Ayon kay Bureau of Customs chief Napoleon Morales , dakong alas-6:25 ng umaga nang madakip ng kanyang mga tauhan na nakatalaga sa NAIA departure area ang mga suspect na kinilalang sina Lin Yi-Hsiang, Cheng Fen-Feng at Lin Wu-Hsin.
Ayon kay Morales, nakatakda sanang sumakay ang mga suspect sa eroplano ng Macau Airlines flight NX-851 patungong Macau, China nang sitahin nina Customs examiners Gamal Derogongan, Lorenzo Supremo at Flight supervisor Milagros Gorospe.
Agad na pinasuri ni Atty. Rupert Bustamante ang bagahe ng mga naaresto at dito nabuko ang tangkang pagpuslit ng mga ito ng nasabing droga sa initial check-in area.
Batay naman sa isinagawang manual inspection ng matataas na opisyal ng NAIA, lumalabas na nasa loob ng siyam na pakete ng powdered drinks tulad ng Milo, Tang at Ovaltine ang nasabing droga.
Nabatid na tinangka pa umanong suhulan ng suspect na si Lin Yi-Hsiang ang mga Customs authorities nagunit magalang na tinanggihan ng mga ito, kasabay ng pag-aresto sa una at dalawang kasamahan nito.
Lumalabas naman sa isinagawang pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakabase sa NAIA, positibo sa hot shipment at napatunayang shabu ang laman ng mga pakete na tumitimbang sa 10.81 kilo.
Agad namang isinailalim ang mga naarestong suspect at ang nakumpiskang mga ebidensiya sa pangangalaga ng PDEA sa Camp Crame para sa paghaharap ng kaukulang kasong kriminal laban sa mga una.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended