Piskal sa Nida Blanca-slay, palitan-Kaye Torres
August 26, 2006 | 12:00am
Bukod sa pagkakasibak sa abogadong may hawak sa Nida Blanca murder case, nais din ni Kaye Torres na palitan na ng Department of Justice (DOJ), si Assistant Chief Prosecutor Leah Tanodra-Armamento, ang piskal na humahawak sa nasabing kaso dahil sa kawalan umano ng kumpiyansa nito sa huli.
Hiniling ni Torres kay Justice Secretary Raul Gonzalez na sa halip na si Armamento, mas nais niyang si Chief State Prosecutor Jovencito Zuño ang maging prosecutor sa Nida Blanca murder case.
Ipinaliwanag pa ni Torres na una na niyang inanunsiyo sa pagdinig noong Agosto 11 sa Pasig City Regional Trial Court, Branch 160 na hindi na si Atty. Harriet Demetriou ang kanyang abogado subalit napag-alaman umano nito na patuloy pang nakikipag-ugnayan si Armamento sa nasabing abogado.
Nilinaw din ni Torres na nasira na ang kanyang tiwala kay Armamento kung kayat dapat na palitan na umano ito.
Matatandaang kamakailan ay unang sinibak ni Torres si Demetriou bilang abogado sa kontrobersiyal na Nida Blanca murder case. (Ludy Bermudo at Grace Amargo-dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended