Lontoc, binira sa maluhong seminars
August 26, 2006 | 12:00am
Binatikos ng Land Transportation Office-Employees Union ang hepe ng nasabing ahensya na si Anneli Lontoc pati na ang mga kasamahang opisyales nito, dahil sa wala sa ayos at maluhong paggastos umano ng mga ito sa mga seminars.
Kaugnay nito, kwenestiyon ng unyon kung bakit sa Boracay II pa ng Shangrila Plaza sa Manadaluyong ginawa nina Lontoc at ng 26 opisyales nito ang nakaraang seminar gayung may malaki at malapad naman umanong lugar sa LTO Edu Hall para okupahan ng libre at walang gastos.
Iginiit din ng unyon na sana ay inilaan na lamang sa kanila ang salaping ginagastos ni Lontoc sa mga maluluhong seminar upang ipambili ng dagdag na gamot sa clinic ng ahensya.
Kinastigo din ng mga observers ang paggasta ni Lontoc ng malaking halaga sa kanilang meeting sa Boracay Island kamakailan at sa iba pang pagdalo nito sa mga seminar sa labas ng bansa. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended