^

Metro

Bigamy, ikinasa vs Kenneth Duremdes

-
Kinasuhan kahapon ng kanyang asawa ng kasong bigamy sa Quezon City Prosecutors Office si Philippine Basketball Association (PBA) most valuable player (MVP) at star forward ng Sta. Lucia Realty na si Kenneth Duremdes dahil sa dalawang beses na pagpapakasal umano nito.

Ang nasabing kaso ay iniharap sa sala ni Branch 215 Judge Ma. Luisa Padilla ng Quezon City Regional Trial Court ng asawa ni Duremdes na si Vanessa Cariaga Duremdes.

Ayon sa sinumpaang salaysay ni Vanessa, ikinasal sila ni Duremdes noong September 6, 1993 sa Manila City Hall kay Rev. Jesus Mesa at muling nagpakasal umano ito sa isang babae noong August 15, 1996 batay na rin umano sa rekord ng National Statistics Office (NSO).

Samantala, pinabulaanan naman ni Duremdes ang nasabing alegasyon ni Vanessa.

Ayon pa kay Duremdes na hindi siya kailanman ikinasal kay Vanessa na naging nobya niya noong nag-aaral pa siya sa Adamson University noong 1993.

Kaugnay nito, hinihingan ng korte ng P24,000 bail para sa pansamantalang kalayaan nito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

AYON

DUREMDES

JESUS MESA

JUDGE MA

KENNETH DUREMDES

LUCIA REALTY

LUISA PADILLA

MANILA CITY HALL

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with