Fil-Am na nagpapatay sa misis, timbog ng NBI
August 23, 2006 | 12:00am
Inaresto ng mga ahente ng NBI ang isang Fil-American na utak sa pagpatay sa kanyang misis sa Estados Unidos para masingil ang malaking halaga ng life insurance sa isang operasyon sa lalawigan ng Aklan.
Nakilala ang nadakip na si Abelardo Tasa, alyas Larry Tasa, na nahaharap sa kasong first degree murder at conspiracy to commit murder sa Superior Court of California.
Nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Bureau of Immigration at US Embassy para sa deportasyon ng suspect.
Sa ulat ng NBI-Interpol Division, nakipag-ugnayan sa kanila ang US Embassy ukol sa kasong kinakaharap ni Tasa kasama ang pinag-utusan nitong sina Timothy Shawn Victor at Jose Daniel Flores para patayin ang kanyang misis na si Rebecca Tasa noong Enero 22, 1992. Pinalabas ni Tasa na pagnanakaw ang motibo sa pagpaslang pero natuklasang pinatay niya ito para makolekta ang may US$300,000 nitong life insurance. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended