Ang naturang programa ay laan sa mga nabanggit na nais na makapagtapos sa kanilang pag-aaral sa elementarya at sekondarya upang makatulong sa kanila na maging isang produktibong mamamayan ng lungsod.
Ang programang ito ay batay sa panukalang ordinansa ni QC Councilor Francisco Calalay Jr. bilang isang alternatibong paraan na makapagtapos ng pag-aaral ang mga nabanggit na taga-lungsod na may edad 15 pataas.
Sinusuportahan naman ni QC Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte ang agarang pagpasa nito sa konseho upang mabigyan ng karagdagang programa ang lokal na pamahalaan at tuloy higit na mapahusay ang kabuhayan ng mga magbebenepisyo sa naturang programa. Ilang instructional managers ang naatasang mangasiwa sa implementasyon ng naturang programa kapag naaprubahan na ito ng Konseho. (Angie dela Cruz)