Gunman ng fish trader, timbog
August 22, 2006 | 12:00am
Matapos ang labinlimang oras na pagtatago ay nalambat na ang nakatakas na gunman ng niratrat na fish trader matapos ang isinagawang hot pursuit operation ng pulisya laban dito, kahapon ng umaga sa Malabon City.
Iniharap kahapon sa media ni Northern Police District (NPD) director Chief Supt. Leopoldo Bataoil ang suspect na si Mercader Lara, ng Ilang-Ilang St., Tanza, Navotas.
Si Lara ay naaresto dakong alas-7:30 ng umaga.
Magugunita na dakong alas-3:30 kamakalawa ng madaling-araw nang pagbabarilin nina Lara at Ronnie Sueno, 30; ang mayamang fish trader na si Pablito Dionisio, may-ari ng Turing Fish Consignacion sa loob mismo ng Malabon fish market.
Agad na nasawi si Dionisio, habang bumulagta rin ang suspect na si Sueno matapos na makipagbarilan kay SPO4 Leopoldo Reyes ng Malabon City na mag-isang rumesponde sa nasabing insidente.
Nakatakas naman sa gitna ng putukan si Lara, subalit kahapon ay natunton ang pinagtaguan nito.
Nasugatan rin sa insidente si SPO4 Reyes buhat sa baril ng suspect na si Sueno.
Kasalukuyan pang ginagamot sa Chinese General Hospital si SPO4 Reyes na nakatakdang tumanggap ng cash incentives mula sa local government unit (LGU) ng Malabon City, Medalya ng Kagitingan at Medalya ng Kagalingan buhat sa PNP. (Rose Tamayo Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended