Nanloob sa bahay-ampunan, patay sa bugbog
August 22, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 32-anyos na lalaki makaraang bugbugin ito ng apat na kalalakihang nagtatrabaho sa isang bahay ampunan para sa matatanda na tinangkang pagnakawan ng una, kahapon ng madaling araw sa Marikina City.
Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng insidente dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan ang suspect na nakilalang si Reynaldo Mijares, may asawa at residente ng 30 Lamar Townhouse Apitong, Brgy. Marikina Heights ng lungsod na ito.
Samantala kasalukuyan naman pinipigil sa himpilan ng Marikina City police ang mga empleyado sa ampunan na umanoy responsable sa pambubugbog kay Mijares na sina Rene Sinlao 21, sekyu, Julieto Pancho 23, sekyu, Rex Digala 25, maintenance at Bryan Culaste 29, caregiver, pawang mga stay-in worker ng St. Camillus Charity Institution, isang bahay ampunan para sa mga matatandang walang tirahan.
Sa imbestigasyon ni PO3 Felixberto Aguila, dakong alas 3;00 ng madaling araw ng tangkang pagnakawan ng nasawi ang nasabing charity institution na matatagpuan sa 29 Apitong St. Brgy. Marikina Heights ng nasabing lungsod kasama ang kaibigang si Leopoldo Jimenez Jr.
Subalit habang nasa loob ng bakuran ng St. Camillus, ayon kay Jimenez ay nakita sila ng mga security guard kaya magkahiwalay silang tumakas ni Mijares nang habulin sila ng mga ito.
Makalipas ang ilang minuto ay tumawag ang pamunuan ng St. Camillus sa himpilan ng pulisya at sinabing may nahuli silang magnanakaw subalit nang rumesponde na ang mga awtoridad ay nadatnan nila ang biktima na duguang nakahandusay sa loob ng nasabing bakuran at nang siyasatin ay wala na itong buhay. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended