^

Metro

Magkumpare itinumba sa inuman

-
Kapwa nasawi ang isang magkumpare makaraang pagbabarilin ang mga ito ng isa nilang kainuman, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Parehong hindi na umabot pa ng buhay makaraang isugod sa magkahiwalay na pagamutan ang mga biktimang sina Teody Nabalde, 32; at Jose Jelly Nacion, 48, sanhi ng mga tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Rene Tomena, na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Batay sa imbestigasyon nina SPO1 Ferdinand Samiento at PO2 Vergel Nicolas, dakong alas-6 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng biktimang si Nacion sa Barrio Libis, Brgy. 160, Baesa, Caloocan City.

Nag-iinuman umano noon ang mga biktima at suspect nang makaroon ng mainitang pagtatalo.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo ay bumunot ng baril ang suspect at saka pinagbabaril ang kainuman.

Nang makitang kapwa humandusay ang dalawa ay mabilis na itong tumakas.

Tinangkang isugod sa pagamutan ang dalawa subalit hindi na umabot pang buhay.

Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation laban sa suspect. Inaalam pa rin ang motibo ng naturang pagpaslang. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BAESA

BARRIO LIBIS

BATAY

CALOOCAN CITY

FERDINAND SAMIENTO

JOSE JELLY NACION

RENE TOMENA

ROSE TAMAYO-TESORO

TEODY NABALDE

VERGEL NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with