Clerk ng Muntinlupa RTC, nilikida
August 21, 2006 | 12:00am
Nasawi ang clerk of court ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC), Branch 80, habang nasawi naman ang isang sekyu na rumesponde sa una makaraang pagbabarilin ng tatlong armadong kalalakihan, kahapon ng hapon sa nabanggit na lungsod.
Batay sa sketchy report ng Muntinlupa City Police, ang biktimang si Atty. Banaag Alvarez ay nasawi noon din mismo sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng maraming tama ng bala sa ibat ibang parte ng katawan buhat sa hindi pa nababatid na kalibre ng baril.
Samantala, hindi naman umabot ng buhay sa Muntinlupa Medical Center si Mike Cadillo, security guard ng Kaibigan Bakery na matatagpuan sa kahabaan ng National Road, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City makaraang pagbabarilin din ito ng mga suspect nang saklolohan sana nito si Alvarez.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Muntinlupa City Police na naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Nabatid na kasalukuyang may kausap umano si Alvarez nang bigla na lamang itong paikutan at pagbabarilin ng tatlong armadong kalalakihan.
Nang marinig naman ni Cadillo ang putukan ay agad na rumesponde ito upang saklolohan sana si Alvarez, subalit hindi na nakaporma pa ang una nang maging ito ay pagbabarilin din ng mga suspect.
Matapos ang nasabing insidente ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect.
Napag-alaman sa rekord ng pulisya na noong nakaraang buwan ay pinagbabaril at napatay din ang anak na lalaki ni Alvarez ng hindi nakikilalang mga suspect.
Isang masusing imbestigasyon ang kasalukuyang isinasagawa ng mga awtoridad sa pamamaslang sa mag-ama kung iisa ang utak ng mga salarin at kung ano ang motibo sa likod ng pamamaslang sa mga huli. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended