Philippine Flag Sinunog: 9 na militante inaresto
August 20, 2006 | 12:00am
Inaresto kahapon ng mga kagawad ng Manila Police District (MPD) ang siyam na miyembro ng militanteng grupo na Anakbayan matapos na magsagawa ang mga ito ng isang lightning rally sa tapat ng US Embassy sa Roxas Blvd., Maynila at sunugin ang bandila ng Pilipinas.
Kinilala ang mga inaresto na sina Len de Guzman, Mae Martin, Jojo Veloso, Cristina Umali, Peter James Sandoval, Gemma Ramos, Rheena Flores, Den Coro at Carlo Cervantes.
Dakong alas-12:15 nang magtipun-tipon sa nasabing lugar ang mga inaresto at mga kasamahan nito na ayon pa kay P/Supt. Rodolfo Miranda ay lumabag sa Batas Pambansa 880 o illegal assembly act matapos na mapag-alaman na walang permiso ang kanilang isinagawang rally, bukod pa sa nilabag din umano ng mga ito ang ordinansa ng Maynila at obstruction sa lansangan.
Nabatid na ang nasabing pagra-rally ng militanteng grupo sa tapat ng US Embassy ay bilang pagpapakita ng pagkondena sa all-out war ng Amerika laban sa terorismo.
Nangangamba umano ang mga militante sa negatibong implikasyon ng nasabing polisiya sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended