^

Metro

AMBUSH SA VALENZUELA AT CALOOCAN: 1 patay, 3 pa sugatan

- Rose Tamayo-Tesoro -
Isa ang nasawi, habang tatlo katao ang malubhang nasugatan sa magkahiwalay at magkasunod na insidente ng pananambang, kahapon ng umaga sa Valenzuela at Caloocan City.

Sa Valenzuela City, agad na nasawi ang isang rebel returnee, habang malubha namang nasugatan ang kapitbahay nitong babae nang kapwa tambangan at pagbabarilin ang mga ito ng mga armadong kalalakihan dakong alas-8 ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Dante Domingo, 55-anyos, residente ng 50 Cuadra St., Brgy. Caloong, nabanggit na lungsod sanhi ng maraming tama ng bala ng .45 kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa intensive care unit (ICU) ng nasabing pagamutan ang kapitbahay ng nasawi na si Jennifer Calumba.

Kaugnay nito, isang manhunt operation ang agad na isinagawa ng Valenzuela City Police laban sa mga suspect na agad na tumakas matapos ang ginawang pananambang sa mga biktima sa panulukan ng Cuadra St. at M. H. del Pilar, Brgy. Caloong, Valenzuela City.

Nabatid na kasalukuyang naglalakad ang mga biktima nang biglang harangin ang mga ito ng mga suspect at pagbabarilin.

Napag-alaman na kababalik-loob lamang ng nasawing biktima sa kamay ng gobyerno matapos ang ilang taon na pagiging rebelde nito.

Samantala, dakong alas-9:30 naman ng umaga nang tambangan ng mga naka-motorsiklong suspect ang isang land developer at tauhan nito sa Caloocan City.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) director P/C Supt. Leopoldo Bataoil ang mga biktima na sina Enrique Villagracia, 56, land developer ng Gozon Compound na pag-aari ni Benjie Chua sa Malabon City at tauhan nitong si Isidro Pinlac, 56, na pawang mga residente ng Phase 3, Block 5, Lot 71, Pampano St., Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Lulan ng Isuzu Crosswind High-Lander ang mga biktima at binabagtas ang kahabaan ng Letre Road sa harapan ng Hannibal Gas Station nang biglang tambangan at pagbabarilin ang mga ito ng mga suspect na pawang armado ng .45 kalibre ng baril at nakasakay sa dalawang motorsiklo na walang kaukulang plaka.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing insidente upang alamin ang pagkakakilanlan ng mga suspect at motibo ng mga ito sa pananambang sa mga biktima.

vuukle comment

BENJIE CHUA

BRGY

C SUPT

CALOOCAN CITY

CALOONG

CITY

CUADRA ST.

DANTE DOMINGO

ENRIQUE VILLAGRACIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with