P3-M naabo sa nasunog na warehouse
August 18, 2006 | 12:00am
Umaabot sa P3 milyon ang naabo sa limampung minutong sunog na naganap sa isang warehouse kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Ayon kay FO3 Narciso Norbert ng Pasig Fire Bureau, naganap ang nasabing sunog sa IDs logistic warehouse na pagmamay-ari ng Uniliver Philippines na matatagpuan sa kanto ng Ortigas Ext at C-5 Brgy. Ugong ng lungsod na ito.
Nabatid sa security guard ng warehouse na si Gerry Cabaya, dakong alas 8:28 ng bigla na lamang niyang makita ang paglabas ng makapal na usok at kalat na ang apoy buhat sa ground floor na bahagi ng gusali.
Agad namang tumawag ng bumbero si Cabaya na mabilis namang rumisponde upang maapula ang apoy.
Idineklarang fire out ang sunog ganap na alas-9:18 na ng gabi na ikinaubos ng mga nakaimbak na produkto ng nasabing kompanya. Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon upang malaman kung ano ang pinagmulan ng nasabing sunog habang wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa insidente. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended