Opisyal ng Marikina City hall todas sa ambush
August 18, 2006 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 38-anyos na opisyal ng Marikina City hall makaraang tambangan ito ng apat na kalalakihan sa harapan ng kanyang bahay papasok sa kanyang tanggapan, kahapon ng umaga sa lungsod na ito.
Idineklarang dead on arrival sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tinamong siyam na tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Nicasio Cruz, opisyal ng Marikina Settlement Office at dating hepe ng Tricycle Regulatory Office (TRO)
Samantala inilabas na ng pulisya ang carthographic sketch ng isa sa apat na mga suspect na pumaslang sa biktima.
Ayon kay Supt. Sotero Ramos Jr, hepe ng Marikina police, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga habang papasakay sa kanyang owner type jeep ang biktima paalis ng kanilang bahay sa No.5 Kapitan Moy St. Brgy. Sta. Elena ng lungsod na ito papasok na sa kanyang opisina.
Bigla na lang itong nilapitan sa likurang bahagi ng dalawa sa mga suspect na pawang armado ng kalibre.45 baril at walang sabi-sabing pinagbabaril, habang ang dalawa pang suspect ay nagsilbing lookout hindi kalayuan sa insidente.
Nang masigurong wala ng buhay ang biktima ay agad na tumakas ang mga suspect na sumakay ng isang pampasaherong dyip patungong lungsod Pasig.
Napag-alaman pa sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na may kinalaman sa kanyang trabaho ang pamamaslang sa biktima dahil ang kasalukuyan niyang puwesto ngayon na may kinalaman sa pabahay sa lungsod, habang ang dati nitong puwesto ay may kinalaman naman sa paghuli ng mga kolorum na asosasyon ng mga traysikel sa lungsod.
Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa agarang paglutas ng naturang pamamaslang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest