Sa report ni Dra. Nerissa de Guzman, ng Ospital ng Makati, dakong alas- 10: 40 ng gabi nang bawian ng buhay si Shirly Balajadia, 30, ng 208-B Block 6, Brgy. West Rembo ng nabanggit na lungsod.
Namatay si Shirly dahil sa kumplikasyon ng mga sakit na narararamdaman, tulad ng cardiac pulmonary arts, secondary to thyroid storm at secondary to toxic goiter. Natuklasan din na isang taon na itong may sakit na urinary tract infection (UTI).
Nabatid na kasama si Shirly sa mga OFWs na naiuwi sa bansa buhat sa giyera sa Lebanon noong nakaraang Agosto 11. Una itong isinugod sa Mandaluyong City Mental Hospital matapos kakitaan ng war shock dulot ng giyera sa pagitan ng Hezbollah at Israel.
Dahil sa sakit sa lalamunan ng naramdaman ng biktima ay inilipat ito sa Ospital ng Makati na dito natuklasan pa ang iba nitong karamdaman.
Matapos ang apat na araw na pagkaratay ay bumigay din ito at namatay. (Lordeth Bonilla)