Itoy matapos na pormal na magretiro kahapon si ret. Director Vidal Querol at isalin ang posisyon kay Varilla sa ginanap na simpleng seremonya kahapon.
Si Varilla ay dating intelligence officer ang nahirang ni Pangulong Arroyo upang ipalit kay Querol matapos itong magretiro kahapon sa gulang na 56-anyos.
Sinabi ni Varilla na haharangin niya ang mga rebeldeng magtatangkang humalo sa mga raliyista at maghasik ng terorismo sa mga pangunahing lugar sa Metro Manila.
Maliban dito, ayon pa kay Varilla ay palalakasin niya ang kampanya laban sa kriminalidad kabilang ang pagsugpo sa street crimes. (Joy Cantos)