^

Metro

Tsinoy na operator ng shabu lab arestado

-
Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Tsinoy na operator ng dalawang shabu laboratory sa Bataan na nauna nang nabuwag ng mga awtoridad.

Kinilala ni NBI Director Nestor Mantaring ang nadakip na si Paul Tan, may mga alyas na Paul Ang, Huang Penhui-Tan at Paul Cayetano Uy, 38, at residente ng #50 Makabagdal St., Caloocan City.

Sa ulat na isinumite ng NBI-Anti-Illegal Drugs Task Force, itinatag ng Wang Wei Cheng Drug Trafficking Group na kinabibilangan ni Ang ang dalawang shabu mega laboratories sa Pilar at Mariveles, Bataan. Ito ay base sa PDEA Case Operation Plan Eclipse.

Sinalakay ng mga pinagsanib na puwersa ng PDEA, NBI at PNP-Anti-Illegal Drugs Task Force ni dating Director Ricardo de Leon ang naturang mga laboratoryo kabilang na ang isa pang laboratoryo sa Meycauayan, Bulacan noong 2004.

Umaabot sa P1 bilyon ang halaga ng mga shabu materials at mga equipments ang nakumpiska ng mga awtoridad habang naaresto ang isang caretaker ngunit nakatakas naman ang maintainer na si Tan at mga Chinese chemist.

Nakatanggap naman ng impormasyon ang NBI at PDEA sa pinagtataguan ni Tan sa Caloocan City na agad sinalakay. Nadakip ang suspect sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Bartolome Flores ng Bataan Regional Trial Court Branch 4 noong Disyembre 2005.

Patuloy namang pinaghahanap ang mga kasamahan nito na sina Thomas Sy; Benzon Chua; Usbono Chua, alyas Mr. Co; Andy Ang; at kanilang lider na si Wang Wei Cheng, may mga alyas na Allan at Mr. Lim.

Nabatid din na konektado ang mga laboratoryo sa Pilar at Mariveles, Bataan sa Cagayan de Oro shabu laboratoryo na sinalakay din ng mga awtoridad. (Danilo Garcia)

ANDY ANG

BATAAN REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

BENZON CHUA

CALOOCAN CITY

CASE OPERATION PLAN ECLIPSE

DANILO GARCIA

DIRECTOR NESTOR MANTARING

DIRECTOR RICARDO

DRUGS TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with