1 pang mediaman kritikal sa ambush
August 15, 2006 | 12:00am
Isa na namang mediaman ang pinagbabaril at malubhang nasugatan makaraang tambangan ng isang armadong suspect, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Valenzuela City General hospital sanhi ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan mula sa .9mm kalibre ng baril ang biktimang si Roger Panizal, 52, reporter/photographer ng pahayagang Tiktik sa CAMANAVA area at residente ng #8 Artex Cmpd., Brgy. Panghulo, Malabon City.
Agad namang pinag-utos ni Northern Police District (NPD) director P/C Supt. Leopoldo Bataoil ang 24-oras na pagtugis laban sa suspect na kinilala lamang sa alyas na "George Boy Demonyo", residente ng E. Martin St., Brgy. Santulan, Malabon City.
Batay sa pinagsamang ulat, dakong alas-5:30 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng St. Jude at Sta. Juliana Sts., Brgy. Malinta, Valenzuela City.
Nabatid na kasalukuyang sakay ng kanyang tricycle si Panizal na may plakang PN-5644, at habang tinatahak nito ang nabanggit na lugar ay bigla na lang itong tinambangan at pinagbabaril ng suspect.
Hindi agad napuruhan si Panizal nang unang tamaan ito sa kanyang balikat kung kayat nagawa pa nitong makatakbo ng ilang dipa palayo subalit patuloy pa rin itong pinagbabaril ng suspect dahilan upang tamaan ang una sa bandang likuran ng katawan nito.
Nang humandusay sa kalsada si Panizal ay nilapitan pa ito ng suspect at pinagbabaril subalit hinawakan ng una ang unahan ng baril ng huli dahilan upang magtamo pa ito ng tama sa dalawang palad.
Sa pag-aakalang patay na si Panizal ay agad na tumakas ang suspect dala ang ginamit na baril.
Agad namang dinala ng ilang concerned citizen si Panizal sa nabanggit na pagamutan at hanggang sa kasalukuyan ay ginagamot pa ito. Napag-alaman na bukod sa pagiging mediaman ay kasalukuyang sekretaryo ng isa sa pinakamalaking asosasyon ng TODA sa CAMANAVA si Panizal, ang Martin Tricycle Operators and Drivers Association (MARTODA).
Tatlong linggo bago ang pananambang kay Panizal ay nagkaroon umano ng mainitang komprontasyon sa pagitan ng una at ng suspect na kilala bilang siga at durugista sa kanilang lugar. Malimit umanong bulabugin o guluhin ng suspect ang pilahan ng tricycle ng MARTODA sa nabanggit na lugar. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended