^

Metro

3 miyembro ng Highway Robbery Gang, tiklo

-
Hindi nakaligtas sa isang matikas na pulis ng Northern Police District (NPD), ang tatlong matitinik na miyembro ng Highway Robbery Gang nang maispatan ng una ang mga huli sa aktong ninanakawan ang isang delivery van, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City. Ayon kay NPD director P/C Supt. Leopoldo "Pol" Bataoil, dakong alas-3:45 ng madaling-araw nang maispatan ni SPO2 Enrique de Jesus ng NPD-DPIU na pwersahang binubuksan ng tatlong suspect ang likurang pintuan ng nasabing van gamit ang steel bar. Kasalukuyang tinatahak umano ng nasabing van na hindi pa nababatid ang plaka ang kahabaan ng Larangay St. sa nabanggit na lungsod nang mapuna ni de Jesus na noon ay nakasunod naman sa nasabing sasakyan ang pagnanakaw ng mga suspect. Agad namang nag-overtake at pinara de Jesus ang van at inalarma ang driver at helper hinggil sa ginagawang pagnanakaw ng mga suspect sa kanilang sasakyan. Hindi na nakaligtas pa ang isa sa mga suspect na si Orlin Paman na nagawang maaresto ni de Jesus, habang nagawa namang makatakas ng dalawang kasamahan nito. Isang follow-up operation ang agad na isinagawa ng NPD operatives sa hideout ng mga suspect na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa pang suspect na kasamahan ni Paman. (Rose Tamayo-Tesoro)
Amok: 3 sugatan
Malubhang nasugatan ang tatlong tricycle driver makaraang mag-amok ang isa nilang kasamahan, kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City. Ginagamot sa Mandaluyong City Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak ng ice pick sina Eduardo Nobleza, 23; Jezzel Lucava, 30 at Jerry Salamanca, 40. Pinaghahanap naman ang suspect na si Raul Dacpano, 33 at residente ng 340 Fernandez St., Brgy. Mauway, nabanggit na lungsod. Dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa pilahan ng tricycle sa Producers Market sa Sierra Madre St., Brgy. Highway Hills, Mandaluyong. (Edwin Balasa)
Informer nilikida ng NPA
Pinaniniwalaang isang hitman ng NPA ang lumikida sa 18-anyos na umano’y informer ng mga pulis, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Kinilala ng Caloocan City Police ang biktimang si Wilson Mira, binata at residente ng 24 Levitico St., corner Gen. Malvar St., Bagong Barrio, nabanggit na lungsod. Batay sa ulat ni PO1 Ronwaldo Bermudez ng Caloocan SID, dakong alas-4 nang pagbabarilin ang biktima ng nag-iisang suspect sa harapan ng isang bahay sa 118 F. Balagtas St., Bagong Barrio, Brgy. 143, Caloocan City. (Rose Tamayo-Tesoro)
Lolo nagbigti
Nagbigti ang isang 68-anyos na lolo makaraang maburyong ito dahil sa matagal na paglipas ng panahon na hindi man lamang umano siya nagkaroon ng sariling pamilya, kahapon ng umaga sa Pasay City. Patay na nang matagpuan dakong alas-5 ng umaga ang biktimang si Rolando Almenia sa loob ng bahay nito sa 148 Pildera II, nabanggit na lungsod. Isang sinturon ang itinali nito sa kanyang leeg, habang ang kabilang dulo ng itinali nito sa biga ng kisame. Sinasabing ang pagkabigo sa buhay na magkaroon ng sariling pamilya ang dahilan ng tuluyang pagpapakamatay ng biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BAGONG BARRIO

BALAGTAS ST.

BRGY

C SUPT

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CENTER

ROSE TAMAYO-TESORO

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with