Batay sa 14-pahinang desisyon ng Court of Appeals (CA) 8th Division, pinaburan nito ang naging hatol ng Quezon City Regional Trial Court (RTC), Branch 107, na pinatitibay nito ang pagiging guilty ng akusadong si William Ching sa kasong 3 counts of rape, subalit hindi naman maipatupad ang ipinataw ng korte dahil sa ibinasurang death penalty law.
Batay sa rekord ng korte, ang 3 ulit na panghahalay ng akusado sa anak nitong babae ay minsang naganap noong 1996 at dalawang beses naman noong 1998, sa sariling tahanan ng mga ito sa Novaliches, Quezon City. (Grace dela Cruz)