^

Metro

Caloocan PCP-3 commander, sibak

-
Sinibak na kahapon sa kanyang pwesto ang Police Community Precinct (PCP)-3 commander ng Caloocan City Police, makaraang makunan ng video ng isang istasyon ng telebisyon ang ginawang "drinking spree" nito at ng kanyang mga tauhan sa harapan mismo ng nasabing presento.

Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin si P/S Insp. Erwin Emelo, makaraang personal na "kumprontahin" ito ng mga kagawad ng National Police Commission (NaPolCom) hinggil sa pagpapasara nito ng Asistio St. sa Caloocan City at pag-iinuman nito at ng kanyang mga tauhan na naka-uniporme sa harapan mismo ng kanyang pinamumunuang presento.

Hindi pinakinggan ng NaPolCom ang katwiran ni Emelo na kaya lamang daw nila ginawa yun ay dahil sa kaarawan niya at nagpa-birth day party lamang siya.

Ayon naman sa NaPolCom hindi masama na magdiwang ng kaarawan at magsagawa ng birthday party o inuman ang mga pulis ngunit ilagay ito sa ayos, hindi sa panahon na naka-duty o naka-uniporme ang mga ito.

Maging si Caloocan City Police chief Sr. Supt. Geronimo Reside ay hindi nakaligtas sa "sermon" nang personal din na pinuntahan ito sa kanyang tanggapan ng mga kagawad ng NaPolCom nang mapatunayan na "present" din siya sa nasabing birth day party ni Emelo.

Ayon pa sa NaPolCom, command responsibility ni Reside na sawayin o pangaralan ang kanyang mga tauhan partikular na ang ganitong klase ng tiwaling mga gawain at napatunayang may pagkukulang dito si Reside lalo pa at labis na naapektuhan ang mga residente na umalma dahil sa pagpapasara ng nasabing kalye.

Samantala, sinuspende at ipinagharap na ng kasong administratibo si Emelo na nasa floating status ngayon. (Rose Tamayo-Tesoro)

ASISTIO ST.

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EMELO

ERWIN EMELO

GERONIMO RESIDE

NATIONAL POLICE COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with