Lalaki patay sa cellphone technician
August 13, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 34-anyos na lalaki makaraang barilin ito ng isang cellphone technician nang magtalo ang dalawa tungkol sa ipinagawang cellphone ng una kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Agarang namatay sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Rodrigo Alver, ng Brgy. Mauway, lungsod na ito, habang agad namang tumakas ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Ding, cellphone technician sa Parklea Center sa kanto ng EDSA Crossing.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:15 ng gabi nang magtungo ang biktima sa puwesto ng suspect upang kunin ang kanyang Nokia 3220 na ipinagawa noong nakaraang buwan. Sinabi ng suspect na hindi pa ito gawa ngunit dahil sa tagal na ng cellphone ay kinukuha na lamang ito ng biktima.
Walang nailabas na cellphone ang suspect dahilan upang magalit ang biktima na humantong sa pagtatalo. Sa gitna ng pagtatalo ay kinuha ng suspect ang nakatagong .9mm baril sa kanyang puwesto at dalawang ulit na pinagbabaril ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang suspect upang panagutin sa krimeng ginawa. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest