^

Metro

NPD police magbabalik-eskuwela

-
Nakatakdang ipadala ni Northern Police District (NPD) Director P/CSupt. Leopoldo Bataoil sa PNP Reformatory School sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang mga pulis sa kanyang nasasakupan na sangkot sa ilegal na gawain upang "magbalik-eskuwela" o muling sumailalim sa pagsasanay.

Ang naturang aksyon ni Bataoil ay matapos na masangkot ang ilang pulis-Caloocan sa tiwaling gawain nitong mga huling araw.

Sinabi pa ni Bataoil na ang ilegal na gawain ng ilang pulis ay malaki ang magiging epekto sa tiwala ng mga tao sa "men in uniform" na nasa serbisyo at nais din umano ng naturang opisyal na maibalik ang karangalan at dignidad ng mga pulis.

Bunsod nito, inatasan ni Bataoil si P/Supt. Jimili Macaraeg, hepe ng District Intelligence and Investigation Division (DIID) sa agarang pagsasagawa ng record check sa 1,800 commissioned and non-commissioned officers.

Sinabi pa ni Bataoil na inatasan din niya si Macaraeg na pulungin ang apat na hepe ng istasyon ng pulisya ng CAMANAVA area upang maayos ang gagawing pagsilip sa ilegal na gawain ng mga pulis dito.

"Sakaling hindi pa rin magbabago ang mga ito ay hindi ako magdadalawang-isip na ipatapon sila sa pinakamalayong rehiyon sa bansa," pahayag pa ni Bataoil sa panayam sa kanya. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATAOIL

DIRECTOR P

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

JIMILI MACARAEG

LEOPOLDO BATAOIL

NORTHERN POLICE DISTRICT

REFORMATORY SCHOOL

ROSE TAMAYO-TESORO

SINABI

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with