^

Metro

Terror threat sa Maynila lalong lumakas

-
Inamin kahapon ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na mas lalong lumakas ngayon ang banta ng terorismo sa lungsod ng Maynila buhat sa iba’t ibang armadong grupo.

Sinabi kahapon ni MPD-District Intelligence and Investigation Division chief, Sr. Supt. Edgar Danao na mas higit ngayon ang isinasagawa nilang pagbabantay sa buong lungsod dahil sa patuloy pa rin silang nakakatanggap ng intelligence report ukol sa banta ng posibleng pagsalakay ng mga kalaban ng pamahalaan sa mga pangunahing establisimiyento kabilang na ang mga presinto ng pulisya.

Dahil dito, tumanggi pa rin ang pamunuan ng MPD na buksan ang ilang mga gate sa compound kabilang na ang lagusan na kumukonekta sa tanggapan ng MPD Press Corps sa mga dibisyon sa loob ng headquarter.

Inihayag din naman ni MPD officer-in-charge Sr. Supt. Danilo Abarsoza ang pagtatatag ng sariling "Task Force Usig" sa lungsod kaugnay ng nagaganap na "extrajudicial killing" sa mga miyiembro ng media, militante at ibang sektor sa lipunan.

Umapaw naman ang loob ng MPD-Headquarters matapos na damputin ang tinatayang 339 katao na hinihinalang sangkot sa iba’t ibang mga krimen sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod na bahagi ng programa ng prebensiyon laban sa kriminalidad bago pa man maganap. (Danilo Garcia)

DAHIL

DANILO ABARSOZA

DANILO GARCIA

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

EDGAR DANAO

MANILA POLICE DISTRICT

PRESS CORPS

SR. SUPT

TASK FORCE USIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with