^

Metro

1 pang killer cop sumuko

-
Matapos ang dalawang araw na pagtatago sumuko na sa kanyang hepe ang bagitong pulis na namaril at nakapatay sa dalawa katao, kamakailan sa Parañaque City. Pagtatanggol sa sarili ang depensa ng suspect na si PO1 Joseph Flores makaraang sumuko sa kanyang hepe na si Chief Inspector Raden Amora ng Police Community Precinct 2. Magugunitang binaril at napatay ni Flores ang magpinsang sina Emilio Gamad, 31 at Rommel Doran, 27, noong nakalipas na Lunes ng gabi habang ang mga ito ay nag-aabang ng sasakyan kasama ang nakababatang kapatid ni Emilio na si Pedro Gammad sa Gabriel St., Brgy. Tambo. Sa inisyal na imbestigasyon sinasabing nakasalubong ng tatlong biktima ang pulis na noon ay nakasakay sa isang motorsiklo. Nabatid na pumalag si Pedro nang hampasin ng parak ang kanyang sumbrero dito na nagkaroon ng komosyon, subalit naawat naman. Pero ilang sandali pa ay bumalik sa lugar ang pulis at nadatnan pa ang grupo ng mga biktima. Muling nagkaroon ng komprontasyon hanggang sa pagbabarilin ng suspect ang mga biktima. Sinabi naman ng pulis na rumesponde siya sa isang tawag na kaguluhan subalit pumalag ang tatlo at tinangka siyang kuyugin kaya nagawa niyang barilin ang mga ito. (Lordeth Bonilla)
2 kilabot na ‘tulak’, timbog
Arestado ang dalawang lalaking ‘tulak’ ng droga matapos na salakayin ang lungga ng mga ito, kahapon ng umaga sa Pasig City. Dakong alas-10:00 ng umaga ng pasukin ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at Pasig City police ang isang bahay sa Tulip St. Golden Royal Villas, Brgy. Pinagbuhatan ng nabanggit na lungsod matapos na makatanggap ng impormasyon na doon naglulungga ang mga drug pushers na nagsilipat matapos na mabuwag ang palengke ng shabu noong nakalipas na Pebrero. Nakilala ang mga nadakip na sina Zenaida Buyog, may-ari ng bahay at Samal Saman. Nasamsam sa nasabing raid ang isang magnum .22, mahigit sa 10 gramo ng shabu at ilang plastic ng marijuana. Lumalabas na si Buyog ay isa sa notoryus na drug pushers sa Mapayapa Compound sa Brgy. Pinagbuhatan. (Edwin Balasa)
Motorsiklo salpok sa truck: Mensahero patay
Hindi na nabuhay ang isang Tsinoy sa mistulang "daredevil" nitong pagpapatakbo ng motorsiklo matapos na sumalpok at magulungan pa ng isang 10-wheeler truck kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila. Hindi na umabot pang buhay sa PGH ang 45-anyos na si Theodore Uy, messenger ng isang law firm at residente ng San Juan, Metro Manila. Kasalukuyan namang pinipigil sa Manila Traffic Bureau ang driver ng trak na si Alvin Baldonado, 25. Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga malapit sa panulukan ng Ayala Boulevard at Taft Avenue sa Ermita, Maynila. Ayon sa mga saksi mabilis umano ang pagpapatakbo ng biktima sa kanyang motorsiklo nang diretsong sumalpok sa likod ng trak. Napailalim pa ang motorsiklo sakay ang biktima at nagulungan pa ng trak na naging dahilan ng pagkamatay nito. (Danilo Garcia)

ALVIN BALDONADO

AYALA BOULEVARD

BRGY

CHIEF INSPECTOR RADEN AMORA

DANILO GARCIA

EDWIN BALASA

EMILIO GAMAD

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with