^

Metro

Rugby boy nag-ala ‘Superman’, patay

-
Umabot sa utak ang epekto ng nakakalasong kemikal sa isang rugby boy nang tumalon ito sa Del Pan Bridge sa Maynila matapos na makapanood ng pelikulang "Superman Returns" sanhi ng kanyang pagkamatay kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktimang nag-ala Superman na si Rodel Porton, 22, ng Area 2 Gate H-1 Parola Compound, Tondo.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:50 ng madaling-araw sa naturang tulay sa Tondo.

Ayon sa saksing si Emily Fabregas, nagbubukas siya ng kanyang tindahan nang mapansin niya si Porton sa itaas ng tulay.

Nagulat na lamang siya nang bigla itong tumalon na nakataas pa ang mga kamay na mistulang si Superman. Nasawi ang biktima matapos na mabagok ang ulo nang bumagsak sa sementadong kalsada sa ibaba ng naturang tulay.

Nabatid sa pulisya na isang talamak na rugby boy ang biktima at posibleng nakaapekto na ito sa kanyang utak.

Bago ang pagtalon sa tulay, nabatid na maghapong nanood ng pelikulang "Superman Returns" ang biktima. Posibleng nag-trip ito na siya ang superhero at ginaya ang paglipad na nagresulta sa kanyang kamatayan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

DEL PAN BRIDGE

EMILY FABREGAS

GATE H

MAYNILA

NABATID

PAROLA COMPOUND

RODEL PORTON

SUPERMAN RETURNS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with