Ito ang ipinangako kahapon matapos na manumpa sa tungkulin si Chief Supt. Yolanda Tanigue sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Camp Crame.
Bukod sa pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga bata, kabataan at mga kababaihan, sinabi ni Tanigue na pagtutuunan din niya ng pansin ang pagsugpo sa naglipanang mga sex dens partikular na sa Metro Manila.
Sinabi nito na hindi niya nanaisin na mapariwara ang dangal ng mga kababaihang Pinay kaya dapat na mahinto na ang ilegal na operasyon ng mga sex dens.
Bago naging heneral si Tanigue ay kilala ito sa kanyang krusada para ipagtanggol ang karapatan ng mga bata at kababaihan at isa sa mga nagsulong sa Womens and Childrens Desk. Nabatid na si Tanigue na may 25 taon na sa serbisyo ay nagsimula sa trabaho bilang dating Finance Clerk ng PNPO, nagsilbi rin ito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), naging hepe ng San Pablo City Police at naging Executive Officer ng directorate for investigative and detective management. (Joy Cantos)