^

Metro

Sadistang mga mister, target ng 1st woman general ng PNP

-
Ipaprayoridad ng kauna-unahang babaeng heneral sa kasaysayan ng Philippine National Police (PNP) ang paglutas sa mga kaso ng mga lalaking nambubugbog ng kanilang mga asawa at sexual abusers.

Ito ang ipinangako kahapon matapos na manumpa sa tungkulin si Chief Supt. Yolanda Tanigue sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Camp Crame.

Bukod sa pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga bata, kabataan at mga kababaihan, sinabi ni Tanigue na pagtutuunan din niya ng pansin ang pagsugpo sa naglipanang mga sex dens partikular na sa Metro Manila.

Sinabi nito na hindi niya nanaisin na mapariwara ang dangal ng mga kababaihang Pinay kaya dapat na mahinto na ang ilegal na operasyon ng mga sex dens.

Bago naging heneral si Tanigue ay kilala ito sa kanyang krusada para ipagtanggol ang karapatan ng mga bata at kababaihan at isa sa mga nagsulong sa Women’s and Children’s Desk. Nabatid na si Tanigue na may 25 taon na sa serbisyo ay nagsimula sa trabaho bilang dating Finance Clerk ng PNPO, nagsilbi rin ito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), naging hepe ng San Pablo City Police at naging Executive Officer ng directorate for investigative and detective management. (Joy Cantos)

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

EXECUTIVE OFFICER

FINANCE CLERK

JOY CANTOS

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN PABLO CITY POLICE

TANIGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with