Sinabi ni Atienza na magiging bise alkalde si Pacquiao ng kanyang anak na si Arnold "Ali" Atienza na tatakbo bilang alkalde ng Maynila sa 2007 election.
Si Ali Atienza ang kasalukuyang chairman ng Manila Youth Sport Program sa Maynila at inamin na rin ang kanilang tambalan ni Pacquiao.
Nabatid na ang alkalde ang naghikayat kay Pacquiao na tumakbo sa Maynila kayat nagparehistro ito sa local Comelec bilang residente sa ika-6 na distrito sa lungsod kung saan nakatira ito sa Residencie de Manila sa Bldg. 2 Unit III ng Jesus St., Pandacan, Maynila na nasa ika-6 na distrito.
Ang naturang condo unit ay ibinigay ni Atienza kay Pacquiao makaraang gawing "adopted son" ng lungsod ang boksingero noong 2003.
Kaugnay nito, isang petition of opposition ang nakatakdang isumite ng isang resident-lawyer sa Comelec upang kuwestiyunin ang ginawang pagpaparehistro ni Pacquio bilang residente ng Pandacan nitong Hulyo 5.
Si Atty. Vladimir Alarique Cabigao, isang long time-resident ng Pandacan ay nagsabing dapat ibasura ng Comelec ang registration ni Pacquiao dahil kailanman ay hindi ito napagkikita sa kanilang lugar.
Bukod dito, maituturing ring ilegal ang pagpaparehistro muli ni Pacquio ng dalawang beses kung balido ang rehistrasyon nila bilang residente ng General Santos City.