^

Metro

Lolong kumatay sa kaibigan, timbog

-
Bumagsak sa kamay ng mga elemento ng Quezon City police ang isang 50-anyos na lolo makaraang patayin nito sa saksak ang isang kaibigan dahil sa masamang biro habang kapwa lango sa alak, kamakalawa ng gabi. Nakilala ang nadakip na suspect na si Dominador Babaisan, ng 355 Carmenate St., Happy Land Commonwealth ng nasabing lungsod. Habang patay na ng idating sa pagamutan ang biktima nito sanhi ng tinamong maraming saksak sa katawan ang biktimang si Romeo Mendoza, karpintero.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:20 ng gabi ng maganap ang krimen sa labas ng bahay ng suspect kung saan nag-iinuman ang mga ito kasama ang ilang kapitbahay. Nang malasing ay nagsimulang magbiruan ang suspect at biktima hanggang sa magkapikunan na humantong pa sa mainit na komprotasyon. Ilang sandali pa ay umalis ang suspect at nang bumalik ay armado na ng patalim at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BUMAGSAK

CARMENATE ST.

CRUZ

DOMINADOR BABAISAN

HABANG

HAPPY LAND COMMONWEALTH

ILANG

QUEZON CITY

ROMEO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with