15-anyos sugatan sa nagwalang pulis
August 3, 2006 | 12:00am
Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang isang 15-anyos na binatilyo matapos na mahagip ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril ng isang pulis sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Sinampahan na ng kasong physical injuries at illegal discharge of firearms ang suspect na si PO2 Jon-Jon Somo, umanoy nakatalaga sa Manila Police District-Station 1.
Nasa ligtas ng kalagayan matapos na magtamo ng tama ng bala sa sentido, braso at tuhod ang biktimang si Rodulf Quilit, estudyante at residente ng Malvar St., Tondo.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa may Raxabago St. ng nabanggit na lugar.
Ayon sa biktima, naglalakad siya sa may Capulong St. upang bumili ng tinapay nang makasalubong si Somo. Bigla umano itong naglabas ng baril at tatlong beses na nagpaputok sa may semento sa tapat ng biktima sanhi upang tamaan ang huli.
Bagamat sugatan ay nakauwi pa ng bahay ang biktima at dito pa lamang ito naisugod sa pagamutan. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended