2 patay, 1 kritikal sa rookie cop
August 3, 2006 | 12:00am
Dalawa ang nasawi, habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang pagbabarilin ng isang bagitong tauhan ng Parañaque City police, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga nasawi na sina Emiliano Gammad, 31, helper ng Brgy. Tambo at Rommel Duran, 27, ng Pasay City na kapwa nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Nasa kritikal din kondisyon si Pedro, 25, kapatid ng nasawing si Gammad.
Mabilis namang tumakas ang suspect na parak na si PO1 Joseph Flores nakadestino sa Police Community Precint 2 ng Parañaque City Police Station.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa panulukan ng J. Gabriel at Mayuga Sts. sa Brgy. Tambo ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na lasing ang mga biktima at habang naglalakad ang mga ito ay namataan ng pulis na noon ay nakauniporme pa at nakasakay sa kanyang motorsiklo.
Tumigil ang suspect at sinita ang pasuray-suray umanong mga biktima hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.
Nauna na itong naawat ng mga barangay kagawad sa lugar hanggang sa umalis na ang pulis, habang naiwan pa sa lugar ang mga biktima.
Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik si PO1 Flores at naabutan pa doon ang grupo ng mga biktima kung saan muling kinompronta ang mga ito. Nabatid na sinuntok ng suspect sa mukha si Pedro at nang tangkang sasaklolohan ito ng dalawang nasawi ay agad na naglabas ng baril ang pulis at pinagbabaril ang mga biktima.
Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa naturang kaso. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended